Naiwanang nakasinding kandila ang tinitignang dahilan ng mga otoridad sa bayan ng Calasiao, Pangasinan matapos na makapagtala ng insidente ng sunog sa kanilang nasasakupan.
Nabatid mula kay P/Lt. Bonald Paragas, Invest and intel operation ng Calasiao PNP, nangyari ang sunog
sa Brgy. San miguel.
Batay sa kanilang imbestigasyon, bago mangyari ang naturang insidente, ang may-ari ng bahay na kinilalang si Fe Salintog, isang retired DPWH Employee ay nagsindi ng kandila sa kanilang altar at saka umalis ng bahay.
Pagbalik nito, naabutan na lamang niyang nasusunog ang kanilang bahay partikular kung saan nito iniwanan ang naka sinding kandila.
Agad nila itong nirespondehan katuwang ang hanay ng BFP.
Wala namang naitala na casualty at tanging minor injuries lamang ang natamo ng may ari ng bahay.
Nabatid na mag isa lamang ng biktima na nakatira sa kaniyang tahanan.
Sa ngayon, patuloy pa ding nakikipag ugnayan ang tanggapan ng Calasiao pnp sa hanay ng BFP upang matukoy kung ilan ang kabuuang danyos sa sunog.
Handa naman aniyang magbigay ng tulong ang LGU Calasiao sakaling mangailangan ng tulong ang naturang biktima.
Ayon kay Paragas, bukod sa mga grass fire incident na nangyayari sa kanilang lugar, ito pa lamang ang naitalang structural fire incident sa kanilang nasasakupan.
Nagpaalala naman ito sa publiko na ibayong pag-iingat at ugaliing tignan ang lahat ng mga posibilidad na maaaring pagmulan ng sunog bago lumabas sa bahay.