DAGUPAN CITY – Nasa 3,656 ang naitatalang kaso ng HIV sa rehiyon uno kung saan ang datos ay mula taong 1984 hanggang hunyo taong kasalukuyan.

Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Dr. Rheuel Bobis Medical Officer IV, Center for Health Development DOH Region I ngayong taon mula enero hanggang hunyo ay nagkaroon ng karagdagang 326 na kaso sa rehiyon kung saan ngayong hunyo din naitala ang 109 na panibagong mga kaso.

Ang pinakaapektadong age group ng nasabing sakit ay mula naman sa 25 hanggang 34 taong gulang subalit may nakikita na rin mga ganitong kaso mula sa mga mas batang edad gayundin ang mga masa matatandang age bracket.

--Ads--

Ani Dr. Bobis na patunay lamang na walang pinipiling edad ang pagkakaroon ng ganitong sakit.

Bagamat tumataas ang kaso nito sa bansa aniya ay maaari itong maging isang mabuting balita dahil marami sa ating mga kakabayan ang magkakaroon ng kamalayan upang magpatest at ma-establish ang kanilang status gayundin ang karampatang lunas para dito.

Paalala naman nito na lalo na sa mga kabataan dahil maging ang mga nasa 15 taong gulang pababa ay nagkakaroon ng ganitong sakit.

Dapat aniya na palakasin ang pagtuturo ng prevention kaugnay dito gayundin ang pagkakaroon ng safer sex practices.