DAGUPAN CITY– Bumababa na umano ang kaso ng covid 19 araw araw dito sa lalawigan ng Pangasinan.

Sa ulat ni retired col. Rhodyn Luchinvar Oro, isa sa mga membro ng IATF Pangasinan sa Sangguniang Panlalawigan ng Pangasinan, at PDRRMO head , noong buwan ng Abril ay bumaba ng 66 cases kada araw habang bahagyang tumaas ng 71.2 cases kada araw noong Mayo.

Pero nitong June 1-15 ay nabawasan ulit ng 59.9 na kaso kada araw at nitong June 16-20 ay may pagbaba na 47.8 na kaso kada araw.

--Ads--

Samantala, nasa 14.4 percent ang occupancy rate sa mga isolation unit na ikinokonsiderang mababa.

Retired col. Rhodyn Luchinvar Oro, isa sa mga membro ng IATF Pangasinan sa Sangguniang Panlalawigan ng Pangasinan, at PDRRMO head

Samantala, dagdag pa ng opisyal na 100 percent ang compliance rate ng mga LGU sa S – Pass.

Base sa kanilang data, ang mga pinayagan pa lang na makapasok sa lalawigan ay mga mangagaling sa Quezon city at Manila.

retired col. Rhodyn Luchinvar Oro, isa sa mga membro ng IATF Pangasinan sa Sangguniang Panlalawigan ng Pangasinan, at PDRRMO head

Ang S-pass ay ipapakita ng mga biyahero sa mga PNP checkpoint kung sila ay papasok sa lalawigan ng Pangasinan.