Hindi maituturing na alarming ang mga naitatalang bilang ng mga nahuhuling indibidwal na lumalabag sa COMELEC gun ban.
Ayon kay PCol. Richmond Tadina, provincial director ng Pangasinan PPO, sa 26 na positive operations ng mga kapulisan sa probinsya, 31 pa lamang ang nahuhuli na may dalang mga hindi rehistradong baril at ilang mga uri ng patalim.
Aniya, maayos naman ang kanilang pag-iimplementa ng pagbabantay sa mga COMELEC checkpoints at sinisiguro na nasusunod ang polisiya mula sa COMELEC ngayong halalan.
Karamihan din umano sa mga nahuhuling indibidwal ay ang mga indibidwal na hindi alam na bawal pa ang dala nilang paraphenalia.
Kaya naman maigting ang pagpapaalala ni Tadina sa publiko na hangga’t maari ay huwag na munang magdala ng anumang uri ng baril o patalim lalo na kung hindi kinakailangan ngayong panahon ng eleksyon.