Minimal lang ang naitalang pinsala sa mga paaralan sa buong region 1 kasunod ng naganap na malakas na lindol.
Ayon kay Dr. Tolentino Aquino, director ng DEPED Region 1, base sa kanilang statistics, umaabot sa 581 na classrooms ang nagkaroon ng minor damages, 160 classrooms ang nagkaroon ng major damages at 75 ang totally damages.
Sinabi ni Aquino na nag ikot siya nakita mismo ang pinsala na idinulot ng lindol.
Wala naman aniyang nasaktan o nasugatan na hanay ng mga school personnel at mga mag aaral.
Naniniwala ang opisyal na malaking tulong at napakalaking bagay na nagligtas sa mga guro at mag aaral ang isinagawang regular na earthquake drill sa mga eskuwelahan.
Sa ngayon ay patuloy ang monitoring at inspection sa mga paaralan na nagkaroon ng pinsala upang ito ay maisaayos.
Pinayuhan naman ni Aquino ang mga guro at mga mag aaral na huwag munang pumasok sa mga istraktura na hindi pa naiinspeksyon para sa kanilang kaligtasan.