DAGUPAN, CITY— Bumaba ng 50% ang bilang ng mga fire cracker related injuries na naitala ngayong bagong taon.

Sa pahayag ni Dr. Rhuel Bobis, Medical Officer 4 ng Department of Health o DOH Region 1, kung ikukumpara noong nakalipas na taon sa kaparehong panahon, di hamak na mas mababa ngayon. 60 ang naitala noong nakaraang pagsalubong ng bagong ngayon ngunit ngayon, nasa 33 lamang.

Sa kanilang datos, mula Dec. 25 hanggang ngayon Jan. 1, 2021, 33 ang naitalang fireworks related injury sa buong Region 1.

--Ads--

Pinakamarami ang naitala sa lalawigan ng Pangasinan sa bilang na 20, 3 sa probinsya ng La Union, 6 sa Ilocos Norte at 4 sa Ilocos Sur.

Giit ni Bobis, nagkaroon ng factor kahit papano ang pandemyang Covid-19 dahil karamihan sa mga residente ay nanatili lamang sa loob ng kanilang mga kabahayan.

Kanila ding ikinukunsidera ang maigting nilang kampanya sa pagappalaganap ng impormasyon sa publiko ukol sa panganib na dulot ng paputok.

Dahil sa patuloy na lumalaganap ang Covid-19, minabuti ng kanilang himpilan na baguhin ang kanilang mga stratehiya para sa koordinasyon ng iwas paputok 2020 kung saan kanilang ginamit ang mga available resources tulad na lamang ng Zoom Website at iba pang platform ng social media upang maipaabot ang mensahe ng Department of Health.

Laking pasasalamat din nila sa lahat ng mga LGU’s dahil sa maigting nilang koordinasyon at bilang bunga, napababa ngayong taon ang kaso ng mga naputukan.

Tatagal naman ang kanilang assessment and monitoring hanggang January 4, 2021 kasabay ng pag-asang sana’y wala ng maidagdag na bilang sa kasalukuyang talaan.