Dagupan City – Umabot sa mahigit P2.73 trillion na halaga ng proyekto mula noong Hulyo 2022 hanggang Mayo 2024 ang naitalang investment promotion agencies (IPAs) sa ilalim ng Department of Trade and Industry (DTI).

Sa ulat, sinabi ni DTI Secretary Alfredo Pascual na ang pledges ay nagmula sa 1,090 projects na nakarehistro sa DTI-attached IPAs Board of Investments (BOI) at Philippine Economic Zone Authority (PEZA).

Kung saan ang 658 proyekto na nagkakahalaga ng P2.4 trillion ang nakarehistro sa BOI at 432 proyekto naman na nagkakahalaga ng P331 billion ang inaprubahan ng PEZA sa ilalim ng nasabing investment approvals.

--Ads--

Ayon kay Pascual, nakikitaan umano ang investment commitments na amaring lumikha ng 182,000 trabaho, 102,000 naman dito ay magmumula sa mga proyekto na nakarehistro sa BOI at 80,000 mula sa PEZA-registered projects.

Samantala, nagpataas naman sa investment approvals ng DTI-attached IPAs sa nakalipas na dalawang taon sa ilalim ng policy reform ni Presidente Ferdinand Marcos Jr. sa unang anim na buwan ng kanyang administrasyon.