Bumaba ang naitalang datos ng aksidente sa kakalsadahan ngayong taon kumpara noong nakaraang pagsalubong ng bagong taon.
Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Plt. Trisha Mae T. Guzman PIO, Pangasinan Police Provincial Office bagama’t ay ongoing pa ang validation at consolidation sa mga datos aniya ay mas kakaunti ngayon.
Kung saan ngayong taong 2025 ay mas lalo pa nilag paiigtingin ang police presence at hindi lamang tututok sa isa lamang insidente bagkus ay tututukan ang lahat ng maaring kaharapin ng kanilang hanay.
Pagbabahagi niya na gagawin nila ang kanilang makakaya upang mapanatili ang kapayapaan at kaayusan.
Kaugnay nito ay may mga nakatalang kapulisan sa mga tourist destination sa lalawigan.
Samantala, paalala naman nito sa mga pauwi pa lamang sa kanilang mga probinisya o bayan na ugaliing mag-ingat at siguruhing natsek ang mga gamit.
Para naman sa mga motorista aniya ay ugaliing magsuot ng helmet at vest upang maiwasan ang aksidente sa kakalsadahan.