Itinuturing na isang bigtime supplier ng droga sa lalawigan ng Pangasinan ang nahuling suspek na nahulian ng nasa higit kalahating milyon na halaga ng shabu sa Brgy. Nalsian sa bayan ng Calasiao dito sa lalawigan ng Pangasinan.
Ayon kay PDEA-Pangasinan Chief Rechie Camacho, sa laki ng halaga ng nahuling droga na ibinenta ng suspek sa ikinasang buy bust operation ng kanilang hanay.
Aniya, matagal na umano nila itong minamanmanan noong nakaraang taon dahil noong 2020, una na itong nahulian ng nasa 400,000 pesos worth ng shabu.
Napag-alaman din nila na nagmumula pa sa Metro Manila ang kinukuha nitong suplay ng droga na ibenebbenta sa probinsya.
Bukod pa rito may lead na rin umano ang kanilang ahensya sa mga binabagsakan o iba pang mga kasama ng suspek sa pagbebenta ng illegal na droga sa lalawigan.
Matatandaang nakumpiska rin sa naturang suspek ang sari-saring gamit sa droga at isang 1000 peso bill at 399 piraso machine copy ng 1000 pesos na ginamit bilang buy bust money.
Sa ngayon kinasuhan na ang suspek sa paglabag sa Sec. 5 at Sec. 12 ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.