Dagupan City – Mahigit 1,300 daycare learners mula sa 21 barangay ng Asingan ang nagsipagtapos sa kanilang daycare education sa isang Moving-Up Ceremony na ginanap sa Sapigao Sports Complex .

Pinangunahan ang nasabing okasyon ng mga guro, magulang, at mga opisyal ng lokal na pamahalaan.

Nagpasalamat ang alkalde ng bayan sa mga guro dahil sa pagpapakita ng kanilang dedikasyon at paggabay sa mga bata, gayundin ang mga magulang sa kanilang suporta sa pagkamit ng mga pangarap ng kanilang mga anak.

--Ads--

Isa itong patunay ng sama-samang pagsisikap tungo sa pag-unlad ng edukasyon sa Asingan.

Ang daycare education ay isang mahalagang pundasyon para sa pag-unlad ng isang bata.

Sa murang edad pa lamang, natututo na sila ng mga mahahalagang kasanayan sa pakikisalamuha, pag-aaral, at pagpapaunlad ng kanilang potensyal.

Ito rin ay nagbibigay ng pagkakataon sa mga magulang na magtrabaho ng may kapayapaan ng loob, alam na nasa mabuting kamay ang kanilang mga anak.

Sa huli, ang matibay na pundasyon na nabubuo sa daycare ay naghahanda sa mga bata para sa mas mataas na antas ng edukasyon at sa kanilang kinabukasan.