Natukoy na ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang pagkakakilanlan ng nasa likod ng nagpapakalat ng pekeng balita ukol sa pagkakaroon umano ng isang linggong diretsong duty at isang linggo rin na pahinga ng kapulisan sa National Capital Region.

Ayon kay NCRPO Officer-in-charge Regional Director Brig. General Christopher Abrahano, na mayroon na silang iniimbestigahan na nagpakalat ng nasabing balita.

Dagdag pa nito na kapag nakumpleto na ang kanilang imbestigasyon ay kanilang sasampahan ng kaukulang kaso ang mga nasa likod nito.

--Ads--

Magugunitang kumalat ang usapin na mayroong isang linggong walang pahinga na duty at isang linggong day-off ang mga kapulisan simula ng umupo bilang officer in charge ng NCRPO si Abrahano.