DAGUPAN CITY- Ikinabigla ng buong Italy ang naglilipanang ‘fake news’ hinggil sa di umano’y nasawi na si Pope Francis dahil sa sakit nito.
Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Dittz De Jesus, Bombo International News Correspondent sa nasabing bansa, hindi ito pinatagal pa ng Vatican City at kanilang itinanggi ang naturang balita.
Aniya, nilinaw nila na nananatiling ‘stable’ ang kasalukuyang kalagayan ng Santo Papa.
Samantala, patuloy ang pagnatabay ng mga tao sa sitwasyon ng Santo Papa.
Hindi naman nawawala ang kaniya-kaniyang pagpapakita ng mga Religious group ng kanilang suporta sa pagpapagaling nito.
Maging ang organisasyon ng mga Pilipino sa Italya ay nag-aalay ng mga panalangin.
Sa kabilang dako, kung sakali naman na kailangan nang palitan ang uupong Santo Papa ay inaasahan ng mga tao na katulad din nito si Pope Francis na malapit sa mga tao.
Kabilang naman sa mga pinagpipilian ay si Cardinal Luis Antonio Tagle.