DAGUPAN CITY- Arestado ang isang High Value Target na drug suspect personality sa lungsod ng Urdaneta matapos magkasa ng buybust operation ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Pangasinan PO, katulong ang Urdaneta City Police Station.

Ayon kay Retchie Camacho, Provincial Officer ng PDEA Pangasinan, isinagawa ang operasyon sa Barangay Nancayasan, sa nasabing lungsod kung saan nasawata ang hinihinalang shabu na may bigat na higit-kumulang 2 gramo at may halagang P13,600.

Kabilang pa sa mga nakuha mula sa suspek ang isang P500 buy bust money, 7 piraso ng P500 boodle money, isang cellhpone at isang lisensya na nakapangalan sa suspek.

--Ads--

Kinilala naman ang suspek na si Albert John Palaganas, residente ng nasabing lugar. Ito naman ang ikalawang beses na nahuli ang suspek dahil din sa parehong kaso.

Ayon pa kay Camacho, hinihinala pa nilang may kasamahan ito at patuloy ang kanilang pag-iimbestiga hinggil dito.

Nahaharap naman ito sa kasong paglabag sa Article II, Section 5 ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.