BOMBO DAGUPAN – Maituturing na mala symbolic ang naging talumpati ni US president Joe Biden sa Democratic National Convention sa Chicago.

Ayon kay Isidro Madamba Jr. Bombo International News Correspondent sa Estados Unidos, makikitang emosyonal si President Biden matapos siyang ipakilala ng kanyang anak kung saan hinihimok niya ang lahat ng mga delegadong dumalo na suportahan si Vice President Kamala Harris sa pagkapangulo.

Umani ito ng masigabong palakpakan at standing ovation na umabot ng halos 5 minuto na maituturing na pinakamatagal na standinmg ovation para sa isang pangulo.

--Ads--

Tiwala si Madamba na mas marami pang mga malalaking tao kabilang ang mga dekalibreng senador at congressman ang inaasahang magtatalumpati at ito umano ay malaking bagay pati na ang pag indorso kay Kamala Haris.

Matatandan na sinimulan ng Democrats ang kanilang national convention sa pamamagitan ng pamamaalam kay Biden na umatras na sa pagtakbo at inindorso si Harris at kanyang running mate.

Sa talumpati ni Biden sa Chicago, kanyang sinabi na ang kanyang pagpili kay Harris noong 2020 bilang runningmate niya ay itinuturing niyang best decision sa kaniyang buong career.