Dagupan City – Ikinalungkot ng Federation of Free Farmers ang naging pahayag ni Department of Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel, Jr. sa pagpapanatili ng taripa ng 15% na dating 35%.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Leonardo Montemayor Chairman ng Federation of Free Farmers, ito’y dahil hindi niya inasahan na mismong ang kalihim magsasabi sa pahayag na inakala nilang manggagaling sana sa economic manager.

Bagama’t kasi aniya inamin din ng kinatawan ng National Economic and Development Authority (NEDA) na ang isang epekto ng Executive Order no. 62 noong July 2024 ay nagdulot ng malaking pagbaba sa presyo ng palay na ang reduction sa palay price ay nasa 17%.

--Ads--

Nakikitaan pa rin ito aniya na hanggang sa ngayon ay walang makitang koneksyon sa pananatili ng 15% na taripa sa imported rice ang 20 pesos per kilo ng bigas .

Ani Montemayor, masiyadong bumagsak ang presyo ng palay sa 32 areas sa bansa.

Kung kaya’t kung ang pag-uusapan din ay ang ginagawang hakbang ng pamahalaan sa pagsugpo ng mga pananamantala ng traders. Binigyang diin nito na ang kakulangan ng responsibilidad ng pamahalaan ang nakikita.

Aniya, dapat ay hindi na isinasabay pa ng pamahalaan ang importasyon ng palay kapag anihan na ng mga lokal na magsasaka.

Dapat din aniya ay aminin ng National Food Authority na nagkulang sila dahil hindi nila inasikaso ang inventory management sa kanilang bodega.

Samantala, pabor naman ito sa pagtatakda ng floor price ngunit dapat ay ilatag muna aniya kung paano iimplementa at isasakatuparan ang mga ito.

Umaasa naman ito na mapag-aralan ng pamahalaan at ng DA ang mga plano para maging balanse at makabuluhan ang programa ng pamahalaan para matugunan ang pangangailangan ng mga magsasaka.