Mga kabombo! Mahilig ka ba mamasyal sa isang parke? Kung gano ay tiyak na sanay ka na sa napakaraming tao. Ngunit, paano kung ang parke na iyong bibisitahin ay siksikan na para sa dalawang tao?
Ito ang uniqueness ng isang parke sa Nagaizumi, sa Japan dahil sa liit nitong umaabot lamang ng 2 1/2 square feet ay nakapagtala ng world record bilang “world’s smallest park”.
Taon 1988 nang itinayo ang parkeng ito. Itinayo ito nang bumalik ang isang trabahador ng construction manaagement division ng bayan ng Nagaizumi mula sa Estados Unidos.
Kabilang kase sa napuntahan ng nasabing trabahador ay ang Mill Ends Park sa Portland, Ore na may hawak pa ng record na 3.1 square feet.
Kaya ayon kay Shuji Koyama, ang team leader ng construction management division na ito ang naging inspirasyon ng nasabing trabahador upang gumawa ng mas maliit pang parke.
Kamakailan lamang nasertipikahan ng Guiness ang Nagaizumi park dahil bagaman 1988 pa ito naitayo, hindi naman ito inilapit agad sa Guiness World Records.