DAGUPAN CITY–Naagnas na ng matagpuan ang katawan ng isang lolo sa loob ng tahanan nito sa barangay Salvacion sa bayan ng Sto. Tomas.

Nakilala ang biktima si Oscar Praza, 72 anyos na residente ng nabanggit na lugar.

Lumabas sa inisyal na imbestigasyon ng awtoridad na mag-isa na lamang na namumuhay ng 72 anyos na lolo at nakararanas din umano ng mental disorder.

--Ads--

Nadiskubre naman ang bangkay nang mangyaring napadaan ang isang barangay treasurer at napansin ang masangsang na amoy mula sa bahay ng biktima na agad naman nitong ipinagbigay alam sa punong barangay.

Nang pasukin ang bahay ay nadiskubreng nakahandusay sa kusina at wala ng buhay ang biktima.

Base sa karagdagang imbestigasyon ng SOCO walang bakas ng panloloob at wala ring nawawalang personal na gamit ng biktima.

Sa lumabas naman na resulta ng isinagawang post mortem examination sa bangkay, atake sa puso ang ikinasawi ng biktima.