DAGUPAN CITY- Maaaring makaapekto sa relasyo ng Estados Unidos at South Korea ang pagkakaaresto ng 300 South Korean nationals sa malaking ICE raid sa Hyundai Plant sa Georgia, USa.
Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Bradford Adkins, Bombo International News Correspondent sa USA, isa ang South Korea sa mga investors ng Estados Unidos sa plataporma ni US Pres. Donald Trump na pagbutihin ang ekonomiya ng kanilang bansa.
Positibo naman ang reaksyon ng mga American citizens sa nasabing raid upang malinis ang immigration sa kanilang bansa.
Patunay lamang aniya na ginagawa ng gobyerno ang kanilang trabaho.
Subalit, may pangamba naman ang ilang residente na makakaapekto ito sa alyansang South Korea at USA.
Naglabas naman ng pahayag ang Hyundai na hindi nila empleyado ang mga naaresto kundi sub-contractors lamang ng labor.
Naniniwala naman si Adkins na tatratuhin nang tama ang mga naaresto, batay sa kung ano ang nakasaad sa kanilang batas.