BOMBO DAGUPAN – Pinabulaanan ng grupong Samahang Industriya ng Agrikultura o SINAG ang napaulat na Pagbaba sa presyo ng bigas sa Metro Manila.

Ayon kay Engr. Rosendo So, chairman ng nasabing samahan sa naging panayam ng Bombo Radyo Dagupan, base sa kanilang monitoring, wala umanong makitang murang bigas sa mga pamilihan sa National Capital Region o NCR.

Ang P49 na presyo ng regular mill ay dati na ang presyuhan.

--Ads--

Nawala rin aniya ang regular mill sa merkado at sa katunayan ay tumaas pa ang presyo ng halos P1-P2 sa merkado.

Bago ang pagbaba ng taripa ay nasa P49 ang well milled rice pero ngayon ay umabot na sa P51- P52 ang well milled rice.

Una rito, naiulat na nakitaan umano ng pagbaba ng presyo ang mga ibinebentang bigas sa mga palengke sa Metro Manila.

Ito ang naobserbahan ng Department of Agriculture (DA) kasunod ng naging pagbisita nito sa merkado taliwas naman sa pahayag ng SINAG.