DAGUPAN CITY- Nakatanggap ang Municipal Treasurer’s Office ng bayan ng Bayambang ng 3 parangal sa ginanap na Regional Association of Treasurers and Assessors of Region I (REGATA) Year-end Assessment Conference and Recognition of Top-Performing LGUs of Region I, sa Eastwood Richmonde Hotel, Quezon City.
Ang mga natangap ng opisina ay ang Top 5 Among 1st Class Municipalities in Region I in Terms of Ratio of Locally Sourced Revenues to Total Current Operating Income for Fiscal Year 2023; Top 3 Highest Locally Sourced Revenues in Nominal Terms for Fiscal Year 2023; at Top 4 Highest Locally Sourced Revenues in Nominal Terms for Fiscal Year 2022.
Tinanggap naman ito nina Municipal Treasurer Luisita Danan at ni Atty. Bayani Brillante Jr. na siyang OIC-Municipal Assessor at Legal Officer ng kanilang ahensya.
Samantala, layunin nito na makilala ang kahusayan at kontribusyon ng lokal na pamahalaan ng Bayambang sa tatlong mahahalagang kategorya ukol sa mga programa at financial projects.