Dagupan City – Nagsagawa ng seminar ang Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO) tungkol sa Early Childhood Care and Development (ECCD) kahapon sa Don Primitivo Social Hall sa bayan ng San Manuel.

Dumalo sa nasabing kaganapan si Mayor Kenneth Marco S. Perez, mga Punong Barangay, Barangay Health Workers (BHW), at Barangay Nutrition Scholars (BNS).

Tinalakay sa seminar ang kahalagahan ng ECCD sa pag-unlad ng mga bata, pati na rin ang mga estratehiya at programa na maaaring makatulong sa mga magulang at tagapag-alaga sa pagbibigay ng wastong pangangalaga sa mga bata.

--Ads--

Layunin ng seminar na maitaas ang kamalayan ng mga kalahok tungkol sa ECCD at makatulong sa pagpapabuti ng kalidad ng buhay ng mga bata sa bayan.

Ang seminar ay isa sa mga programa ng MSWDO na naglalayong itaguyod ang kapakanan ng mga bata sa bayan sa bawat barangay. (Oliver Dacumos)