Pinarangalan ang Department of Social Welfare and Development (DSWD)–Municipal Operations Office (MOO) ng Bayambang matapos nitong makatanggap ng sunud-sunod na pagkilala dahil sa mahusay na pagpapatupad ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) ngayong 2025.

Kabilang sa mga prestihiyosong parangal na iginawad sa MOO Bayambang ang Most Institutionalized Municipal Advisory Council Meeting, Most Improved Conduct of Municipal Advisory Council Meeting, Most Participative Municipal Operations Office, Beneficiary Data Management Champion, Model LGU Implementing 4Ps, Highest Percentage of Self-Sufficient Household Beneficiaries, at Case Management Champion.

Nakatanggap din ang ilan sakanila ng mga major award gaya ng Malikhaing Kaisipan, Best Performing Case Manager, KUlympics 1st Runner-Up, Best Performing Municipal Link, SWDI Tool Champion, Highest Individual Performance Contract Rating, at isang minor award na Perfect Attendance.

--Ads--

Ayon saknilang Team Leader, ang mga parangal ay bunga ng masigasig na pagtatrabaho, sakripisyo, at matibay na pakikipagtulungan ng kanilang tanggapan sa iba’t ibang sektor.

Nagpaabot din ng pasasalamat ang MOO Bayambang sa suporta ng Lokal na Pamahalaan ng Bayambang na katuwang sa pagpapatibay ng mga programa para sa mga benepisyaryo ng 4Ps.

Sa kabila ng natanggap na pagkilala, binigyang-diin ng MOO Bayambang na ang patuloy na pag-unlad ng mga pamilyang benepisyaryo ng 4Ps ang nananatiling pangunahing inspirasyon ng kanilang paglilingkod.