Tiniyak ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office ( MDRRMO) ng Agno, Pangasinan na bagamat hindi pa masyadong ramdam ang epekto ng bagyo ngayon dito sa lalawigan ng Pangasinan ay nakahanda ang kanilang tanggapan upang i-monitor ang kanilang nasasakupan lalong lalo na at karamihan sa mga barangay ay malalapit sa mga dagat o parteng may tubig.
Ayon kay MDRRMO Head Shirley Nipaz, maigting na rin ang pagpapaalala sa kanilang mg BDRRMO dahil ang mga ito ang mas unang makakaalam ng mga sitwasyon sa kani kanilang mga barangay dahil hindi naman umano ito mapapag sabay sabay ng kanilang opisina.
Samantala, pagdating naman sa kanilang mga evacuation centers na maaayos na kondisyon aman ang mga ito at nagamit sa mga nagdaang mga malalakas na bagyo.
Sakali man umano na lumakas ang bagyo ay hindi naman nila inaalis ang posibilidad na magsagawa ng pre emptive evacuation.