DAGUPAN CITY- Pinaghahanda na ang bawat barangay sa bayan ng Lingayen sa maaaring epekto ng Bagyong Marce.

Ayon kay Kimpee Jayson Cruz, Head ng Local Disaster Risk Reduction and Management Office, nagbigay na ng memo si Lingayen Mayor Leopoldo Bataoil upang i-activate ang bawat Barangay Disaster Risk Reduction and Management Committee.

Aniya, nagsagawa na rin sila ng pre-disaster assessement at tiniyak na nakahanda ang kanilang mga kagamitan at maging mga evacuation centers.

--Ads--

Naka-full alert status na rin sila kaya mayroon na ring mga karagdagang personnel para sa anumang emerhensiya.

Naglabas naman ang kanilang tanggapan ng gale warning at nagbabala na sa mg mangingisda na huwag na munang pumalaot.

Gayunpaman, simula kahapon ay nakaranas lamang sila ng pag-ambon at malalakas na hangin. Inaasahan naman nila ang katamtaman hanggang sa malakas na pag-ulan ang ipaparanas ng bagyo sa kanilang bayan.

Sinabi naman ni Cruz na nakapagtala na sila ng mga pagbaha sa ilang bahagi ng kanilang bayan subalit dulot lamang ito ng high tide.

At inaasahan pa nila itong tataas lalo kung sasabayan na ng pag-ulan.