Welcome umano sa Pambansang Lakas ng Kilusang Mamamalakaya ng Pilipinas (PAMALAKAYA) ang mga mungkahi ng mga kasalukuyang presidential aspirants sa kanilang mga plano sa mga territorial sea waters ng bansa kung sakaling sila ang maupo sa naturang mga posisyon at nakikita naman nila na mayroon silang malasakit kaugnay dito.

Ayon kay PAMALAKAYA National Chairperson Fernando Hicap, napapanahon at nararapat lamang din na ang mga ganitong isyu ang tinatalakay sa mga isinasagawang debate at mga forums sa mga kandidato lalo na sa usapin ng soberanya bilang isang bansa at pagtatanggol ng ating national patrimony.

Ngunit sila’y umaasa na sana ay hindi lamang manatiling pangako ang mga ito at hindi maging katulad ng mabagal na pagtugon dito ng ating gobyerno at tila kawalan ng malasakit sa mga maliliit na mangingisda sa bansa.

--Ads--

Giit pa ni Hicap na dapat mga Pilipino ang makinabang sa malaking yaman ng West Philippine sea at hindi ang China.

PAMALAKAYA National Chairperson Fernando Hicap

Giit pa ni Hicap na dapat mga Pilipino ang makinabang sa malaking yaman ng West Philippine sea at hindi ang China.