DAGUPAN CITY- Pinaghahandaan na ng West Central Elementary School ang maaaring suspensyon dahil sa muling pagtaas ng heat index sa syudad ng Dagupan.

Ayon kay Renato Santillan, Principal IV ng nasabing paaralan, pinapalano nilang magkaroon ng online at blended learning kaya nakahanda na rin ang kanilang mga modular learning materials.

Aniya, nagpapasalamat naman sila sa kanilang paaralan dahil mayroon silang ilang mga silid-aralan na may aircon at ang iba naman ay may 4-5 electric fan.

--Ads--

Tiniyak rin niya na may mga nakahandang tubig bilang inumin ng mga mag-aaralan upang maibsan ang init na kanilang mararamdaman.

Nakahanda rin ang mga emergency kit sa bawal silid kung sakaling may hindi inaasahang pangyayari.

Pinapaalalahanan naman niya ang mga mag-aaral at guro na iwasan magpunta sa mga lugar na maiinit at manatiling hydrated.

Sa kasalukuyan ay wala pa aniyang suspensyon sa kanilang paaralan dahil may sapat naman silang kagamitan para labanan ang init ng panahon.