BOMBO DAGUPAN- Nasawi ang 7 katao, kabilang na ang isang ina at ang 3 anak nito, matapos muling maglunsad ng pag-atake ang Russia sa syudad ng Lviv, sa Ukraine.

Ayon kay Lviv Mayor Andriy Sadovy, umatake ang Russia sa pamamagitan ng mga drone at hypersonic missiles.

Narinig din ang mga pagsabog sa Kyiv nang atakihin ng kanilang air defences ang mga missile ng Russia. 5 katao naman ang sugatan sa Kryvyy Rih nang matamaan an isang hotel at kalapit na mga gusali.

--Ads--

Sinabi naman ng defence ministry ng Russia na inatake nila ang mga defence industry facility sa Lviv gamit ang Kinzhal hypersonic weapons.

Aniya, higit 50 mga gusali ang kanilang napinsala kabilang na ang mga kabahayan, paaralan, at klinika.