DAGUPAN CITY- Malaking hamon ngayon para sa MTRG O POSO Mangaldan ang nararanasang matinding init ng panahon dahil halos magdamag na nagtatrabaho ang ilang sa mga ito sa gitna ng tirik na araw na madalas nakatalaga sa mga kalsada, lalo na sa oras ng mabigat na trapiko.
Halos umabot sa 45°C ang heat index na nararanasan ngayon sa lalawigan ng Pangasinan kung saan isa sa mga lugar sa bansa na may naitatalang matataas na temperatura.
Dahil dito, may adjustment sa schedule ang isinasagawa ngayon ng mga traffuc enforcer upang maibsan ang kanilang pagbabad sa araw ngayong tag init.
Ayon kay Gerardo Ydia, ang siyang Chief ng MTRG O POSO MANGALDAN, pinag-iingat nila ang kanilang mga tauhan laban sa heat stroke at iba pang sakit na dulot ng init.
Aniya medyo inagahan ng kunti ang duty ng mga enforcer kung saan mula sa dating oras na alas-6 ng umaga hanggang alas-3 ng hapon, ay inadjust nila ng isang oras ng mas maaga.
Samantala, bagamat may naitalang isang personnel ang nakaranas ng pagkahilo sa gitna ng mainit na panahon, nilinaw naman ni ydia na naagapan naman agad pero ang nakikitang dahilan ay ang kanyang mababng dugo at hindi dahil sa init ng panahon.