Naghatid ng saya at pansamantalang ginhawa ang mga empleyado ng Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO) ng Calasiao sa mga residenteng pansamantalang nanunuluyan sa evacuation center matapos lumikas dahil sa matinding pagbaha sa kanilang lugar.

Blang bahagi ng psychosocial support, nakipagkwentuhan at nakipagkantahan ang mga kawani ng MSWDO sa mga batang evacuees upang kahit papaano ay mapawi ang kanilang lungkot at takot.

Layunin ng aktibidad na bigyang pansin hindi lamang ang pisikal na pangangailangan ng mga apektado kundi maging ang kanilang emosyonal na kalagayan, lalo na ang mga kabataan na mas madaling maapektuhan sa ganitong sitwasyon.

--Ads--

Samantala, tiniyak naman ng lokal na pamahalaan ng Calasiao sa pangunguna ni Mayor Patrick Agustin Caramat na patuloy ang pagbibigay ng tulong gaya ng pagkain, gamot, malinis na inumin, at maayos na matutuluyan para sa mga evacuee.

Nananatiling aktibo ang mga tauhan ng pamahalaan sa pagsubaybay sa kalagayan ng mga lumikas habang hin
di pa ligtas na bumalik sa kanilang mga tahanan.