BOMBO DAGUPAN- Idineklara nang public health emergency sa Africa ang nararanasang pagkalat ng Mpox.

Naalarma na ang mga siyentipiko mula sa Africa Centres for Disease Control and Prevention dahil sa mabilis na pagkalat ng bagong strand ng mpox.

Simula noong simula ng taon 2024, higit 13,700 na mga kaso at 450 na mga nasasawi ang naitala ng Democratic Republic of Congo.

--Ads--

Kumalat na din sa iba pang bansa sa Africa ang nasabing sakit,kabilang ang Burundi, Central African Republic Kenya, at Rwanda.

Ang pagdeklara ng public health emergency ay makatutulong sa gobyerno upang makoordina ang mga pagtugon at may posibilidad na mapataas ang daloy ng medical supplies at aid sa mga apektadong mga lugar.