BOMBO DAGUPAN – Patuloy na tumataas ang naitatalang kaso ng mpox dulot ng monkeypox virus sa bansang Africa kung saan ideneklara na itong public health international concern ng World Health Organization (WHO).

Unang nakita ang nasabing virus sa mga unggoy taong 1950’s at taong 1970’s naman naitala ang unang kaso sa tao.

Ayon kay Dr. Rheuel Bobis, Medical Officer IV Center for Health Development DOH Region I ilan sa mga sintomas na mararamdaman sa nasabing sakit ay pagkakaroon ng lagnat, pananakit ng ulo, pagkakaroon ng ubo, pananakit ng likod gayundin ang pamamaga ng lalamunan.

--Ads--

Nagsisimula naman ang pantal sa mukha na bumababa pa sa ibang bahagi ng katawan ng isang taong apektado.

Ayon sa pag-aaral ang case fatality rate ay umaabot ng 10 porsyento kung saan mas nakamamatay ito kumpara sa Covid-19.

Samantala, kaugnay naman sa kaso ng leptospirosis umabot na 66 kaso ang naitatala sa rehiyon kung saan 10 na ang naitalang nasawi. Habang sa kaso naman ng dengue mayroon ng 3021 kaso sa rehiyon at 16 naman ang nasawi kung saan pinakamarami sa lalawigan ng Pangasinan.

Nagpaalala naman ito sa publiko na kung mayroong sintomas ng nasabing mga sakit ay wag mag-atubili at maghintay na lumala pa bagkus ay pumunta sa pinakamalapit na ospital para magpakonsulta.