BOMBO DAGUPAN – Nagpapatuloy ang inspection ng pamunuan ng Manila Police District bilang paghahanda sa darating na State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Pinangunahan ni MPD Director BGen. Arnold Thomas Ibay ang inspeksyon ng halos 900 na personnel mula sa iba’t ibang unit at distrito.

Ito ay paraan para matiyak na handa ang buong pwersa ng kapulisan para masiguro ang kaayusan at kapayapaan sa Maynila lalo na sa mga magsasagawa ng kilos-protesta.

--Ads--

Paliwang pa ni Ibay, handa nilang i-deploy ang nasa 400 hanggang 500 tauhan ng himpilan sa Quezon City kung kakailanganin ito.

Ang ibang force multipliers bukod sa mga personnel ng MPD, aymakakatuwang para magbantay sa mismong araw ng nasabing event.