Dagupan City – Nasawi ang isang 23-anyos na lalaki matapos sumalpok ang minamaneho niyang motorsiklo sa isang naka-park na trailer truck sa kahabaan ng Provincial Road sa Brgy. Babasit sa bayan ng Manaoag.

Kinilala ang biktima na residente ng Pozorrubio na nagmamaneho ng isang Honda Click 125 habang ang kanyang backrider ay residente naman ng Manaoag na nagtamo ng mga sugat sa katawan.

Base sa imbestigasyon, binabagtas ng motorsiklo ang direksyong silangan nang sumalpok ito sa trailer na nakarehistro sa ilalim ng pangalan ng Prodigy Dist Inc.

--Ads--

Nakaparada ang trailer sa gilid ng kalsada dahil sa mechanical defect at may warning device.

Dahil sa lakas ng impact, nagtamo ng malubhang sugat ang driver ng motorsiklo at idineklarang Dead On Arrival (DOA) sa ospital. Isinugod din sa ospital ang backrider para sa lunas.

Parehong nagtamo ng sira ang motorsiklo at ang trailer. Dinala ang mga ito sa Manaoag MPS para sa kaukulang disposisyon.