Patay ang isang 26 anyos na motorista matapos mawalan ng kontrol sa minamanehong motorsiklo at mahit and run ng isang sasakyan sa Urdaneta-Manaoag Road, Zone-4 ng Brgy. Camantiles sa lungsod ng Urdaneta.
Kinilala ang biktima na si Don Daves Visperas, residente ng Barangay Dilan-Paurido sa nabanggit na siyudad.
Base sa kuha ng CCTV Footage sa nasabing barangay habang binabagtas ng biktima ang nabanggit na kalsada nawalan ito ng kontrol sa kanyang minamanehong motorsiklo at dumulas at aksidenteng tumama ang sasakyan sa concrete barrier sa kanang bahagi ng kalsada.
Dahil dito, nahulog ang biktima at aksidenteng nasalpok ng isang kulay puting sasakyan na minamaneho ng hindi pa nakikilalang driver na nagmula sa likurang bahagi patungo sa parehong direksyon pagkatapos ay tumakas patungo sa direksyong silangan.
Nagtamo ng malubhang head injury ang biktima na dinala sa Urdaneta District Hospital ngunit kalaunan ay idineklara ng DOA ng attending physician.
Nagsagawa naman ng follow up investigation at dragnet operation ang tauhan ng Urdaneta City PS para sa posibleng pag-aresto sa suspek.




