DAGUPAN CITY–Ikinatuwa ng mga motorcycle riders ang pagpayag ng gobyerno sa pag-aangkas sa motorsiklo ng walang nakalagay na barrier o harang sa pagitan ng driver at angkas nito.

Ayon kay Nakedwolves Pangasinan chapter president Nelson Pedroso, matapos iimplementa ang pag-angkas ng motorsiklo na may barrier ay maraming mag asawa ang naaksidente. Maaring napantanto aniya ng mga kinaookolan na hindi ito ligtas gamitin.

Mahirap sumakay ngayon kaya maraming natuwa lalo na ang mga asawa na pumapasok sa trabaho dahil maari na silang hatid sundo.

--Ads--

Sa hirap ng trasportasyon ngayon, ang motorsiklo ang numero unong panghatid sundo ngayon.

Nelson Pedroso. President-Nakedwolves Pangasinan Chapter

Magugunitang umani ng batikos ang planong paglalagay ng PNP at Department of Interior and Local Government (DILG) ng mga barrier na nakalagay sa driver para maiwasan ang pagkalat ng virus.