DAGUPAN, CITY— Mariing tinututulan ng kampo ng pamilya ng pinatay na transgender na si Jennifer Laude ang pagkakagawad ng Good Conduct Time Allowance (GCTA) sa pumaslang sa kanya na si US Marine Joseph Scott Pemberton.

Ito ay kaugnay sa ibinabang utos ng Olongapo Regional Trial Court (RTC) Branch 74, kung saan napagsilbihan na raw ni Pemberton ang 10 taong prison sentence sa pamamagitan ng pag-apply ng GCTA.

Ayon kay Virginia Lacsa-Suarez, legal counsel ng pamilya ni Jennifer Laude ay naghain na siya ng motion for reconsideration na nakatakdang dinggin sa korte sa darating na lunes, September 7, para ihabla ang pagpapalaya kay Pemberton.

--Ads--

Aniya, hindi umano applicable sa naturang suspect ang mga nakapaloob sa GCTA sapagkat hindi naman umano niya nagawa ang mga nakapaloob sa naturang prebilihiyo.

Kanyang ipinaliwanag na kung tutuusin ay hindi nakakulong si Pemberton sa regular na kulungan dahil sa katunayan aniya ay nasa Camp Aguinaldo ito at binabantayan lamang ng mga Amerikanong sundalo kaya taliwas ito sa nakapaloob sa isang layunin ng GCTA na mabawasan ang decongestion sa mga piitan.

Bukod pa umano dito ay hindi din umano nakikilahok ang naturang Amerikano sa mga rehabilition programs, produktibong pakikiisa sa mga authorize work activities at hindi nagpapakita ng kahit anong exemplary work or deeds kaya malinaw umano na hindi umano nararapat na maigawad kay Pemberton ang ibinigay sa kanyang kalayaan kaya sumatutal ay wala umanong material basis ang computation para sa GCTA nito. VC SUAREZ TUTOL

Matatandaang noong 2015 nang unang sinentensiyahan si Pemberton ng Olongapo RTC Branch 74 ng kasong homicide na may anim hanggang 10 taong pagkakakulong dahil sa pagpatay kay Laude noong October 11, 2014.