Dagupan City – Mga kabombo! May mga nabalitaan na ba kayong mga premature babies?

Ibahin niyo ang kinilalang sina Adiah at Adrial Nadarajah mula sa Canada, dahil binansagan silang mga “most premature twins” sa buong mundo.

Ngunit, bago pa man manganak ang kanilang ina na si Shakinah, nasabihan na siya ng kanyang doctor na “not viable” ang kanyang magiging labour at maari rin itong maging sanhi ng pagkamatay ng mga bata kung iltutuloy niya ang panganganak.

--Ads--

Ipinanganak ang kambal ng mas maaga sa 126 na araw noong March 4, 2022, eksaktong 22 linggo ng kanyang pagbubuntis.

Kung kaya’t dahil dito may bigat lamang sila ng 750 grms o 1.65 lb. at kinilala rin sila bilang “lighest twins at birth in recorded history.

Ayon naman kay Shakinah, halos mawalan na ito ng pag-asa at inakalang mawawala na ang kaninyang mga anak dahil sa hirap ng kanilang pinagdadaanan. Sa loob kasi ng 6 na buwan na pinagdaanan ng kambal, nakaranas ang mga ito ng brain bleeds, sepsis at issues sa kanilang fluid.

Sa loob ng dalawang taon, pinatunayan ng kambal na nahirapan man sila mula pagkapanganak, araw-araw naman silang nagiging mas malakas pa at patuloy pa rin ang kanilang development.

Inaasahan ng mga magulang ng kambal na ang kanilang “record-breaking birth” ay magsilbing inspirasyon para mabago ang polisiya na makatanggap ng “medical intervention” mula pagkapanganak ng mga tinatawag na “extremely pre-term babies”.