Dagupan City – Tinututukan ngayon ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office sa bayan ng Sta. Barbara ang biglaang pagtaas ng lebel ng tubig sa Sinucalan River.

Ayon kay Roy Santos mula sa MDRRMO, mula kasi sa normal level nitong 6 Meters Above Sea Level ay bigla itong tumaas hanggang 6.4 Meters Above Sea Level ng alas 4 ng hapon noong nakaraang araw.

Kung saan ang tubig sa ilog ay mula sa upstream o sa bundok, at dahil sa patuloy na pag-ulan ay napabilis nito ang pagtaas ng lebel ng tubig sa nasabing ilog.

--Ads--

Nakapagtala naman ng pagbaha sa Sitio Riverside, Brgy. Sonquil na umabot sa 18 inches o lampas tuhod na baha. Ang mga residente naman sa lugar na ito ay nananatili pa rin sa kanilang mga tahanan dahil hindi pa nila umano nakikitaan na magkakaproblema sila sa nangyaring pagbaha.

Gayunpaman bukas pa rin ang MDRRMO sa kanilang bayan na magbukas ng malilikasang evacuation center sa kung ano mang sakuna na maaaring maitala.

Paalala at panawagan naman ni Santos na bukas ang kanilang ahensya upang alamin ang kalagayan at sitwasyon ng mga residente at huwag mag-atubiling tumawag upang ihayag ang mga tulong na kanilang kailangan at nang matugunan ang mga problema na maaaring nilang makaharap sa oras ng sakuna.