Patuloy pa rin ang monitoring sa mga naging contact ng mga naitalang COVID-19 UK variant sa lalawigan ng Pangasinan.
Iyan ang siniguro ni Dr. Rhuel Bobis, Medical Officer IV ng DOH-CHD1.
Aniya, agarang in-isolate ang mga ito makaraang malaman na sila ay nagpositibo sa naturang variant.
--Ads--
Kung magpakita aniya ng anumang sintomas ay kanila silang susuriin kung sila rin ba ay positibo sa nabanggit na virus.
Binigyang diin naman nito na mas mabilis itong makahawa, dahilan upang mas panatilihin ang mga nakatalagang public health standards upang mapababa ang tsansa ng pagkakahawa.
Samantala, nanatiling mas maraming nahahawa sa COVID-19 ang mga nasa edad 25-30 taong gulang sa buong Ilocos Region, bilang sila ang malimit na lumalabas upang magtrabaho.