Dagupan City – Nasunog ang modernized jeep habang bumibiyahe mula Binloc patungong Downtown nitong Biyernes ng gabi (February 20, 2026).
Batay sa nakalap na impormasyon, may sakay itong humigit-kumulang 25 pasahero nang mapansin niyang umuusok ang dashboard ng sasakyan.
Dahil dito, agad niyang pinababa ang lahat ng pasahero bilang pag-iingat.
Dito na sumiklab ang apoy at bandang alas-6:45 ng gabi nang tumawag sa Bureau of Fire Protection (BFP).
Agad namang dumating ang mga bumbero sa lugar sa Arellano dakong alas-6:50 ng gabi at idineklarang fire out makalipas ang ilang minuto.
Wala namang naiulat na nasugatan sa insidente dahil naagapan at naibaba agad ang mga pasahero.
Ang nasabing sasakyan ay isang diesel-engine na modernized jeep na pagmamay-ari ng Dagupan City Bonuan Loop Transport Cooperative.
Sa kasalukuyan, ang jeep ay naka-cordon at nakaparada sa parking area ng may-ari sa Bonuan Boquig at patuloy pang iniimbestigahan ang sanhi ng sunog.








