Isinusulong ng Department of Agriculture (DA) ang modernisasyon ng mga pangunahing fish ports sa bansa upang mapalakas ang Hanabusa, makaakit ng pamumuhunan at magabayan ang bagong henerasyon ng mga negosyante.
Ayon kay Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr., mahalagang gawing moderno ang mga pangunahing fish port sa bansa sa ilalim ng Philippine Fisheries Development Authority (PFDA) upang baguhin ang mga tradisyunal na daungan ng isda tulad ng Navotas at maging modern-agri fishery business centers.
Tinawag ni Tiu Laurel ang lungsod na “fishing capital” ng Pilipinas at tahanan sa isa sa pinakaabala at pinaka-importanteng fish ports sa buong bansa.
Sa modernisasyon ng PFDA ay isasailalim sa upgrade ang mga pantalan, cold storage facilities, at logistics systems upang mas makasabay ang mga daungan o bagsakan ng isda.
Bawat pagpapaganda ay magbubukas, aniya, ng oportunidad para sa mga lokal na negosyo habang gumaganda ang kita ng mga magsasaka.
Layunin ng pagpapaganda na maiposisyon ang Navotas at kahalintulad na mga lungsod bilang modelo ng pangmatagalan at modernong agri-fishery enterprises kung saan makikinabang ang gobyerno, pribadong sektor at mga lokal na komunidad.
Bukod sa pangingisda, bahagi ng adhikain na baguhin ang lungsod bilang sentro para sa kalakalan, proseso at logitistics, at ang panandaliang kabuhayan ay gawing pangmatagalang negosyo.










