Matagumpay ang naging pagbubukas ng Mangaldan National Highschool o MNHS sa pagsisimula ng kanilang limited face to face classes.

Ayon sa Principal na si Leo Blaquir, bilang pinaka malaking paaralan sa buong rehiyon uno ay hindi naging madali ang kanilang mga ginawang paghahanda kabilang na dito consultation sa magulang ng mga estudyante, koordinasyon sa lokal na pamahalaan at sa mga barangay officials upang masigurado ang kaligtasan ng mga mag aaral.

Aniya, ang kanilang target sana ay maabot ang 50% ng kanilang kabuuang enrollment ngunit lumabas sa kanilang nakuhang parents consent na 13% lamang ang mga nakibahagi na mag aaral sa naturang in-person classes dahil ayon sa ilang mga magulang ay hindi pa nila kakayanin ang gastusin sa pamasahe ng kanilang mga anak kaya mananatili muna sila sa distance learning at nirerespeto naman umano nila ang kanilang desisyon.

--Ads--

Bagamat hindi naman nila naabot ang kanilang target ay masaya parin naman sila na naisagawa parin ng maayos ang limited face to face kung saan mayroong 20 mag aaral sa isang classroom at ang maganda aniya dito ay naobserbahan ang physical distancing na isa sa mga pinaka importanteng protocol habang sila ay nasa paaralan.