Dagupan City – Bilang bahagi ng mga hakbang kontra dengue, isinagawa ng Barangay Disaster Risk Reduction and Management Council (BDRRMC) ng Lobong, San Jacinto, ang pinaigting na misting operations sa Lobong National High School.
Layon ng operasyon na mapababa ang populasyon ng mga lamok sa paligid ng paaralan upang maiwasan ang posibleng pagkalat ng dengue, lalo na ngayong panahon ng tag-ulan kung kailan tumataas ang bilang ng kaso ng nasabing sakit.
Ayon sa mga opisyal ng barangay, bahagi ito ng regular na inisyatibo ng BDRRMC upang maiwasan ang pagkakaroon ng kaso ng dengue.
Nakipag-ugnayan din ang konseho sa lokal na pamahalaan at iba pang ahensya para sa koordinadong pagpapatupad ng mga programang pangkalusugan.
Ang operasyon ay bahagi ng patuloy na pagtutok ng lokal na pamahalaan sa mga isyu ng kalusugan, lalo na sa mga lugar na may mataas na exposure gaya ng mga paaralan.