Pagkaraan ng 16 na taong pagsasama, humiling ng diborsiyo ang isang lalaki sa China matapos niyang madiskubre, na hindi pala siya ang ama ng tatlong anak na babae ng kaniyang misis.

Mula sa Jiangxi province, ang mag-asawang Chen at Yu.

Nagawang patawarin ng lalaki ang misis nang malaman ang tungkol sa pangangaliwa nito. Ngunit nang malaman niya sa paternity test na lahat ng tatlo nilang anak na kaniyang itinaguyod ay hindi pala sa kaniya.

--Ads--

Natuklasan nito na nakikipagtagpo ng kaniyang misis sa hotel na may ibang lalaki na kasama.

Nang magsagawa ng paternity test sa isang anak nila, nalaman ni Chen na hindi siya ang ama nito. Lalong naging masakit kay Chen nang malaman na pati ang dalawa pa nilang “anak” ay hindi rin pala sa kaniya.