Pinupuntahan na ng Quezon City Police District (QCPD) Police Station 5 ang nawawalang bride-to-be na si Sherra de Juan para ligtas at maayos siyang sunduin sa kaniyang kinaroroonan.

Kasama ng mga pulis ang pamilya ni de Juan.

Humigit-kumulang tatlong oras ang biyahe kaya bandang 5 p.m. ang inaasahang pagdating nila rito sa Maynila.

--Ads--

Nawawala si de Juan mula pa noong Dec. 10. Ikakasal sana siya sa kaniyang fiancé noong Dec. 14.