Dagupan City – Bakas ang determinasyon ng Miss Universe Philippines Pangasinan 2025 sa pagsali sa Beauty Pageant.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Aya Lance, Official Makeup Artist ni Miss Universe Philippines Pangasinan 2025 Andrea Ravanzo Cayabyab, ibinahagi nito na noon pa lang sa kanilang mga nagiging pagsali sa mga Beauty pageants ay makikita na kung gaano ka-determinado ang kandidata.

Sa katunayan aniya, dumating na ang mga ito sa puntong muntikan na rin silang sumuko, ngunit dahil sa determinasyon at ipinapakitang pagsusumikap ni Andrea ay pinipili ng mga ito na magpatuloy.

--Ads--

Dagdag pa niya, kahit pa aniya may mga araw na nakakapagod, namamangha siya sa performance ng kandidata dahil na-susustain at nami-maintain niya ang kaniyang sarili at ipapakita sa entablado.

Si Andrea ay mula sa bayan ng San Fabian sa lalawigan at graduating sa kaniyang kurso na Bachelor of Science Civil Engineering.