Labanan ng mga magagaling. Ganito isinalarawan ni Anne Marie Trinidad, President, LGBTQIA + Urdaneta City ang ginanap na Miss Universe Philippines 2025 coronation night.
Sa panayam sa kanya ng Bombo Radyo Dagupan, sinabi ni Trinidad na lahat ng nakapasok ay mga tinatawag na front runner at matunog ang pangalan sa pageantry.
Para sa kanya ay deserve lahat ng nakapasok sa top 6 dahil naipakita ang pinakamagandang performance.
Paliwanag ni Trinidad na bilang isang pageant enthusiast, tinitignan niya ang aura ng kandidata, ang impact niya sa komunidad dahil hindi lang mahalaga na ikaw at maganda kundi mainspired mo rin ang ibang tao.
Giit niya na ang beauty pageant ay package kung saan tinitignan ang overall performance at kung minsan may mga category na umangat ang isang contestant at mayroon namang kinulang sa isang category.
Sa bawat patimpalak ay may kanyang manok kaya payo niya sa lahat ay tanggapin kung sinong nanalo at suportahan na lamang ito dahil sa pangkalahatan ay nirerepresinta nito ang bansa.