DAGUPAN CITY- Bakas pa rin ang labis na tuwa ni Divine Grace Malicdem nang masungkit niya ang Miss Hundred Islands 2025 Environment sa unang pagkakataon niyang paglahok sa naturang komptesiyon.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Dagupan sakaniya, ibinahagi niya na hindi nawala ang mga pagsubok nito bilang pinakabata at pinakamaliit na kandidata, kabilang na ang pinansyal.

Aminado siya na magagaling ang mga katunggali kaya hindi siya nagpatinag at pinagtuonan lamang ng pansin ang sarili.

--Ads--

Labis naman siya nagpapasalamat sa kaniyang pamilya, mga kaibigan, sa Diyos, at sa mga sumuporta dahil nagawa niyang malampasan ang mga pagsubok.

Mensahe naman ni Malicdem para sa mga kapwa kandidata, hintayin lamang ang oras na nakalaan para sa kanila. Ang pagkawagi aniya ng ibang kandidata ay selebrasyon para sa lahat ng mga lumahok.

Samantala, plano naman niya ngayon na pagtuonan pa ng pansin ang kaniyang adbokasiya hinggil sa edukasyon lalo na sa ‘early development’ at sa mga kabataan hindi na nag-aaral.

Bilang Miss Hundred Islands 2025 Environment, itinataas niya ang inisyatibo ng Alaminos City sa paglilinis ng mga basura para mabalanse ang turismo at ang kapaligiran.

Ibinahagi pa niya, nagsimula ang kaniyang journey sa pageant noong lumahok ito sa Limgas na Baley ed Lingayen noong 2024 at kinoronahan din siyang Miss Turismo 2024.

Kasunod nito, ilang buwan lamang ang pagitan ay kinoronahan din siya sa pageant competition sa kanilang unibersidad.