Sa katatapos lamang ng Miss Earth 2024, kinoronahan ang pambato ng Australia na si Jessica Lane,
Dahil dito, gumawa ng kasaysayan si Jessica sa kanyang bansa dahil siya ang kauna-unahang Australian na nakapag-uwi ng korona’t titulo sa Miss Earth.
Nangyari naman ang 24th edition ng Miss Earth ngayong Sabado ng gabi, November 9, 2024, sa Cove Manila, Okada Hotel, sa Parañaque City.
Nangibabaw si Jessica sa 89 pang kandidata mula sa iba’t ibang panig ng mundo, kabilang na rito ang pambato ng Pilipinas na si Irha Mel Alfeche.
Kasama si Irha sa Top 20 at Top 12 ngunit hindi na siya makapasok sa Top 8 para sana sa ika-limang Miss Earth crown ng Pilipinas.
Bukod kay Jessica, kabilang din sa elemental court o top placers sina Miss Earth Air Hrafnhildur Haraldsdottir ng Iceland. Habang Miss Earth Fire naman si Niva Antezana ng bansang Peru.
Samantala, si Miss Earth 2023 Drita Ziri naman ng Albania ang nagpasa ng korona sa Australian beauty queen na si Jessica.
Samantala, bago magtapat ang apat na kandidata sa final question-and-answer round ay masusing pinili ang judges ang Top 20, Top 12, at Top 8.