Arestado ang 32-anyos na Ginang matapos na saksakin ang kaniyang live in partner nang ito’y paratangang nanlalalaki habang sila ay parehong nag-iinuman sa Brgy. Poblacion, sa bayan ng Dasol, Pangasinan.
Ayon kay PCapt. Ramil Llarenas, Officer in Charge sa Dasol Police Station, kinilala ang biktimang si Mario Bonilla, 35-anyos na isang delivery boy at ang suspek na nanaksak na siya ring ina ng tatlo nilang mga anak ay si Marissa Ferrer.
Batay sa imbestigasyon ng pulisya, nag-iinuman umano ang mag live-in partner nang magkaroon sila ng pagtatalo.
Nagpapaalam lamang umano ang babae na dadalo sa isang lamay at hindi umano pumayag ang suspek.
Doon na nag umpisa ang kanilang pagtatalo, sabay ng pag-akusa ng suspek na may kalaguyo ang kaniyang kinakasama.
Sinampal pa umano ng suspek ang biktima at nagtangka pang itoy uulitin . Bunsod nito dinampot ng biktima ang kanilang kutsilyo at dito na niya nasaksak ang kaniyang partner sa tiyan.
Ayon naman kay Marissa, hindi umano ito ang unang beses na siya ay pisikal na sinaktan ng kaniyang kinakasama.
Kasalukuyan pa ring nasa pagamutan ang lalaki habang nanatili naman sa kustodiya ng kapulisan ang live in partner nito.
Ito naman ang kauna-unahang insidente ng pananaksak na naitala sa bayan ng Dasol ngayong taon.
Paalala naman ng mga otoridad na huwag mag-atubiling lumapit sa kanilang barangay hinggil sa anumang uri ng pang-aabuso upang sila ay mabigyan ng police assistance at hindi na humantong pa sa malubhang pananakit sa isat-isa kagaya na lamang ng nangyaring insidente.